Pinakamahabang araw ngayong taon, mararanasan ngayong araw – PAGASA

Written on 06/21/2024
Radyo La Verdad

METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ngayong araw ang summer Solstice.

Ito ay isang uri ng astronomical event kung saan mararanasan ang pinakamahabang araw at pinaka-maiksing gabi.

Gayunman magkakaiba ang duration ng daylight sa iba’t ibang lugar buong mundo.

Gaya sa Metro Manila, ayon sa PAGASA nagsimulang sumikat ang araw kaninang 5:28am at lulubog ng 6:27pm.

Nangangahulugan ito na tatagal ng 13 oras ang daylight o ang liwanag ng araw.



The post Pinakamahabang araw ngayong taon, mararanasan ngayong araw – PAGASA appeared first on Radyo La Verdad.